-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nagwagi sa 2020 Kabalikat Awards ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA XII ang lokal na pamahalaan ng Pigcawayan, Cotabato.

Ang Kabalikat Awards ay nagbibigay pagkilala sa mga naging katuwang ng ahensiya dahil kanilang mabuting gawi at kontribusyon sa pagsusulong at pagpapaunlad ng mga dalubhasang manggagawa na mga Filipino.

Dahil dito, magiging representante ng Region XII ang LGU-Pigcawayan sa National Awarding nito.

Nagpapasalamat naman si Mayor Jean Dino Roquero sa panibagong parangal na natanggap ng bayan.

Aniya, ang nakamit nitong pagkilala ay hindi mapagtagumpayan kung hindi dahil sa tulong at pakikiisa ng bawat Pigcawayanon.