CENTRAL MINDANAO – Patuloy ang pamamahagi ng lokal na pamahalaan ng Pigcawayan, Cotabato ng mga libreng anti-hypertensive na gamot sa pamamagitan ng Treat and Control Hypertension Program.
Kamakailan, mahigit 200 indibidwal sa Barangay Poblacion 1 sa nabanggit na bayan ang nakatanggap ng libreng gamot.
Nasa 150 naman ang nga nabigyan ng libreng gamot sa ilalim ng kaparehong programa sa Brgy. Poblacion 2.
Ayon kay Mayor Jean Dino Roquero, layon ng programa na pangalagaan ang kalusugan ng mga indibidwal na may sakit na hypertension sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga maintenance na gamot.
Dagdag pa ng alkalde, ipinatutupad ang programa sa bawat barangay upang makapagbigay ng kaginhawahan lalo na sa mga senior citizen ngayong panahon ng pandemya.
Ang Treat and Control Hypertension Program ay isinasagawa tuwing Lunes hanggang Miyerkules.
Samantala, ito ay isinasagawa din kasabay ng Bisita sa Barangay Program tuwing Huwebes.