-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Naghahanda na ang lokal na pamahalaan ng Pikit Cotabato katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa nakatakdang pamamahagi ng rice assistance mula sa pamahalaang panlalawigan ng Cotabato.

Ayon sa MSWDO-Pikit, 8,105 na sako ng bigas ang naibahagi ng Provincial Government sa bayan ng Pikit para sa 50,242 beneficiaries nito.

Tiniyak naman ng LGU-Pikit na makakatanggap ang lahat ng mga family beneficiaries at anim na kilo ang bawat pamilya.

Samantala, una nang nakatanggap ng rice assistance ang mga barangay na patuloy na naapektuhan ng pagbaha bunsod ng sunod-sunod na pag-ulan at pag-apaw ng tubig-baha mula sa Pulangi River.

I-aanunsyo naman ng LGU-Pikit ang pamamahagi ng bigas sa mga susunod na araw at nakikipag-ugnayan na sila sa mga opisyal ng Barangay sa mga tatanggap ng rice assistance mula sa Provincial Govnt.