-- Advertisements --

ROXAS CITY – Mas pinaigting pa ng Local Government Unit – LGU Pilar ang border control sa lugar para maiwasan ang malaking epekto ng African Swine Fever.

Ito ang matapos nagpositibo sa saki ang isang backyard farm sa Barangay San Antonio, bayan ng Pilar.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Pilar Mayor Arnold Perez, sinabi nito na simula ng Nobyembre nagsagawa na ng border checkpoint pero may nakalusot parin dahilan ng pagpositibo sa kanilang isang Barangay.

Dahil dito, mas hinigpitan pa ang border checkpoint at binawalan na ang pagpasok ng buhay at karne ng baboy na mula sa Balasan, Iloilo.