-- Advertisements --
Maaring magbigay ng alternatibong masasakyan ang mga namamahala sa iba’t-ibang bayan para sa mga manggagawa kasunod ng suspensyon ng pampublikong sasakyand dahil sa ipinapatupad na Luzon-wide community quarantine.
Sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, na maaaring payagan ng gobyerno ang ilang pampublikong transportasyon para sa ilang mga commuters.
Nilniaw ng kalihim na ayaw niyang buksan ang lahat ng mga transportation sectors dahil hinihikayat lamang ito ang mga tao na gumalaw.
Ang nais kasi nilang ipatupad ay ang higpitan ang galaw ng mga tao.