-- Advertisements --

Nilinaw ng Department of Agriculture (DA) na maaari pa ring magbenta ng bigas mula sa National Food Authority (NFA) ang mga local government units (LGUs) basta’t idineklarang may food security emergency.

Ayon sa Commission on Elections (Comelec), hindi na kailangang humingi ng exemption ang DA at NFA sa spending ban dahil hindi sakop ng social services ang pagbebenta ng NFA rice sa LGUs.

Gayunman, ayon kay DA spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, may kundisyon ang Comelec na hindi maaaring ibenta nang mas mababa sa PHP33 kada kilo at hindi rin ito maaaring ipamigay nang libre.

Samantala, kung gagamitin ng LGU ang NFA rice para sa ayuda o subsidized resale, kailangan pa rin nilang kumuha ng exemption sa Comelec.

Sa pamamagitan ng Food Terminal Incorporated, layunin ng DA na maibenta ang NFA rice sa halagang PHP33 hanggang PHP35 kada kilo upang makatulong sa mamamayan at mabigyang puwang ang imbakan ng ahensya para sa patuloy na pagbili ng palay.

Kabilang sa mga LGU na nakabili na ng NFA rice ay ang San Juan, Navotas, at Camarines Sur.