-- Advertisements --

VIGAN CITY – Pinawi ng local na gobiyerno ng Santa ang pagkadismaya ng ilan sa mga kababayan ng mga ito na hindi napiling benepisyaryo ng Social Amelioration Program ng pamahalaan, lalo na ng Department of Social Welfare and Development.

Sa impormasyong nakarating sa Bombo Radyo Vigan, magpapatupad umano ang LGU-Santa ng Anti- COVID19 Crisis Assistance Program sa mga hindi na-qualify sa SAP.

Sa ilalim ng nasabing programa, mamahagi ang nasabing LGU ng isang kaban ng bigas at hygiene packs sa mga NON-SAP beneficiary.

Maliban pa rito, mamimigay din sila ng PHP 2,000 one -time cash assistance at Infant Nutrition Allowance para sa mga nagpapa-breastfeed na ina.

Pagkatapos umano ng assessment ng Municipal Social Welfare and Development Office sa mga benepisyaryo ng SAP ay kaagad umanong isusunod ang pagpapatupad ng ACAP