-- Advertisements --
Ipinagmalaki ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na kaya ng mga LGU sa Metro Manila na maturukan ng COVID-19 ang nasa 120,000 katao sa isang araw.
Ito ay dahil sa patuloy na pagpapalawig ng mga iba’t ibang alkalde sa Metro Manila ng kanilang vaccination program.
Patuloy din aniya na pagdagdag ng mga LGU ng kanilang vaccination sites sa Metro Manila.
Sa kasalukuyan kasi ay mayroon ng mahigit 600,000 ang nabakunahan sa mahigit 14 million na populasyon ng Metro Manila.