LA UNION – Pinawi ng lokal na pamahalaan ng San Fernando ang pangamba ng publiko at siniguro din ng City Veterinary Office, na ligtas ang buong lalawigan ng La Union sa sakit na African Swine Fever (ASF).
Sa kalatas nga ipinalabas ngayon ng lokal na gobyerno, walang report na may kaugnayan sa ASF sa buong lalawigan at maging sa buong Region 1.
Kasabay nito, pinayuhan ang mga swine raisers na iwasan ang swill feeding o pagpapakain sa mga baboy ng mga tira-tirang pagkain na galing sa mga restaurants at hotels, at ipaalam kaagad sa City Veterinary Office kung may maobserbahan na kakaiba o pagkamatay sa mga alagang baboy.
Siniguro din ng LGU na committed sila sa kaligtasan at seguridad ng mga mamamayan mula sa African swine fever outbreak.
Patuloy naman ang ginagawang strict inspection ng City Veterinary Office sa lahat ng swine products at karne ng baboy na itinitinda sa merkado.