-- Advertisements --

NAGA CITY – Labis na lamang an pagpapasalamat ng lokal na pamahalaan ng Sipocot sa National Government dahil sa hindi nito pagpapabaya sa kabila ng mga nagdaang bagyo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Mayor Tom Bocago ng Sipocot, Camarines Sur, aminado ito na dahil sa kasalukuyang pandemya na COVID-19 gayundin sa mga nagdaang kalamidad ay naubos na ang pondo ng kanilang LGU ngunit dahil aniya sa tulong ng pamahalaan sa kanilang bayan ay tuloy-tuloy pa rin ang kanilang pamamahagi ng mga relief goods sa mga residente.

Dagdag pa nito na maliban sa pamahalaan ay ang mga nagsidatingan din na mga tulong mula sa mga pribadong indibidwal.

Sa ngayon aniya, nasa 80% na ang nabigyan ng relief goods sa nasabing bayan.

Kaugnay nito, ninanais umano ng alkalde na bago pa man dumating ang kapaskuhan ay 100% nang mabigyan ang lahat ng residente sa Sipocot, Camarines Sur.