Nagbibigay ang lokal na pamahalaan ng Taguig City ng libreng annual physical examinations para sa humigit-kumulang 5,000 na mga teaching and non-teaching personnel sa lahat ng public elementary at high schools sa lungsod.
Ang inisyatiba na ito, na naka-iskedyul mula Hulyo 1-31, 2024 na naglalayong isulong ang preventive healthcare at matukoy nang maaga ang mga potensyal na isyu sa kalusugan, kasama ang lahat ng gastos na sakop ng lokal na pamahalaan.
Bagama’t hindi sapilitan ang taunang pisikal na eksaminsayon, pinili ng Lungsod ng Taguig na ialok ito sa parehong mga teaching at non-teaching staff nito.
Binibigyang-diin ng desisyong ito ang pangako ng lungsod sa kalusugan at kapakanan ng mga tagapagturo nito.
Bukod pa rito, upang mabawasan ang mga panganib sa panlabas na kalusugan sa mga mag-aaral, ang mga serbisyong medikal na ito ay isinasagawa sa loob ng mga paaralan.
Sakop ng libreng annual physical examination ang mga sumusunod na health assessments; Physical examination,Vital signs monitoring,Chest X-ray, Complete blood count (CBC), Dental assessment, Visual acuity check, Clinical breast exam, Pap smear at iba pang mga kinakailangang test.
Ayon kay Taguig Mayor Lani Cayetano, mahalaga na masiguro ang kalusugan ng mga educators para na rin sa kinabukasan ng mga komunidad.
Aniya, ang inisyatiba na ito ay hindi lamang nagtataguyod ng preventive healthcare ngunit nagpapakita rin ng hindi natitinag na pangako ng LGU Taguig sa pagsuporta sa mga humuhubog sa isip ng mga kabataan.