-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Siniguro ni Kabacan Cotabato Mayor Herlo Guzman Jr at Cotabato Governor Nancy Catamco sa mga pamilya ng mga biktima sa nangyaring shooting incident noong August 29, 2020 na kanilang gagawin ang lahat upang makamit ang hustisya.

Bago lang ay pinulong ng dalawang lider ang mga pamilya ng siyam na nasawi.

Kaugnay nito, nagsalita si NBI regional executive Director Romeo Cotingjo na nagpapasalamat ito sa liderato ni Mayor Guzman at Brgy. Salapungan, PB Datu Masla Mantawil sa pagtulong na maipalabas ang mga testigo.

Patuloy nitong hinimok ang mga saksi na lumantad at magsalita.

Dumali din sa pagpupulong sina Board member Dulia Sultan, LMT Jabib Guiabar at Jambo Matalam.

Sa ngayon ay may mga anggulo nang sinusundan ang NBI sa pagpaslang sa mga biktima.