-- Advertisements --

Iniatang na ng lokal na pamahalaan ng lalawigan ng Batangas ang mga desisyon sa paglilikas at travel restrictions sa national government doon sa mga lugar malapit sa nag-aalburutong Taal volcano.

Nilinaw ni Batangas Governor Hermilando “Dodo” Mandanas, may bago daw kasing batas na nasa ilalim na ng protected area sa pamamahala ng DENR, DOE at Phivolcs ang ilang bahagi ng lugar malapit sa bulkang Taal.

Kaya naman nakadepende umano ang kanilang pagkilos sa mga susunod na hakbang tulad na lamang ng paglilikas sa mamamayan sa national government.

Gayunman nakahanda naman sa pagtulong ang kanilang mga lokal na pamahalaan sa mga pangangailangan ng kanilang mga constituents.