-- Advertisements --

Gagawin nang mandatory, o obligado na ang mga lokal na pamahalaan kasama ang mga barangay na magpasa ng lokal na ordinansa para sa pagbibigay proteksyon sa mga bata laban sa online sexual abuse.

Sa press briefing sa malakanyang, sinabi ni dilg secretary Benhur abalos na imamandato na rin nila sa dilg na magsagawa ng mga pagsasanay sa mga personnel o staff ng lgus at barangays kung papano tumugon sa mga reklamo ng online sexual abuse na idudulog sa kanila o nangyayari sa kanilang mga nasasakupan.

Binigyang diin ni abalos na mahalagang ma capacitate o mabigyan ng sapat na sandata ang mga lokal na pamahalaan lalo na ang mga barangay para matukoy nila kung sino ang mga kinakausap ng mga bata hinggil sa kinakaharap na sitwasyon upang mahimok na magsumbong upang mapanagot ang mga nasa likod ng pag abuso gamit ang internet.

Paliwanag ni abalos, magsasama sama na ang lahat ng kaukulang ahensiya ng pamahalaan, mula brgy, pulis, social workers, at prosekusyon para tugunan ang dumaraming problema sa online sexual abuse.

Ayon kay abalos, ipag uutos na rin niya sa dilg at sa pambansang pulisya na lumikha ng mga programa na magtataguyod sa proteksyon ng mga bata laban sa mga online predator.