CAGAYAN DE ORO CITY – Dinoble pa ng National Task Force on the West Philippine Sea ang kanilang pagsisikap upang mapaabot sa kanayunan ang wastong information dessimination campaign ukol sa pag-depensa ng sariling teritoryo na inagaw ng China.
Ginawa ni Philippine Coast Guard Spokesperson on WPS Commodore Jay Tristan Tarriela ang pahayag kaugnay sa matagumpay na 3rd leg ng Takbo para sa West Philippine Sea na dinaluhan ng higit 1,500 manananok mula sa ilang bahagi ng Mindanao na isinagawa sa Cagayan de Oro City.
Sinabi ni Tarriela na maliban sa fun run na naidaos na sa mga syudad ng Maynila,Cebu at Cagayan de Oro, naghahanda na rin ang national government na ilunsad ito sa Baguio City at Dapitan City ng Region 9.
Aniya, ipinag-utos rin ni NTF WPS chairman retired AFP chief of staff General Eduardo Año ang dibdiban na caravans sa local government units at universities para maiwasto ang ipinakalat na maling impormasyon na ipinapakalat ng China.
Magugunitang nangunguna na layunin nito ay gusto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na maging transparent ang pamahalaan ukol sa WPS issue para manindigan at samahan ng taong-bayan ang Pilipinas laban sa lahat ng agresyon at pang-aapi ng China.