Hinihikayat ng Department of Health (DOH) ang mga local government units na dagdagan pa ang kanilang vaccination sites nang sa gayon ay mas marami pang Pilipino ang mabakunahan laban sa coronavirus disease.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, malaki ang maitutulong ng mga vaccination sites na ito upang mapabilis ang pagbabakuna sa taumbayan.
Mas makabubuti rin aniya kung ilalagay sa screening at counseling areas ang mga non-healthcare workers. Dahil dito ay mas makakapag-focus umanno ang mga nurse, doktor, pharmacists, at midwives sa pagbabakuna.
Samantala, sinabi ng National Task Force against COVID-19 na 100 percent ng available doses ng bakuna sa bansa ang naipamahagi na, katumbas ito ng 3,025,600.
Nasa 1,562,563 doses naman ang naiturok na sa mga kabilang sa priority list.
Mahigit 3,200 vaccination sites naman ang nagsasagawa ng COVID-19 vaccination mula sa iba’t ibang sites sa 17 rehiyon.