-- Advertisements --

Binigyan-diin ni Climate Change Commission (CCC) Vice Chairperson at Executive Director Robert E.A. Borje ang kahalagahan ng pagtalaga sa mga local government units (LGUs) upang tugunan ang mga hamon ng climate change at bawasan ang mga banta nito sa buong bansa.

Kaugnay nito, tinalakay ni CCC Vice Chairperson at Executive Director Borje ang National Adaptation Plan (NAP) na nagsisilbing gabay para sa ‘climate resilience’ ng bansa.

Itong gabay na pinasa sa United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) ay marapat lamang na ibaba sa lokal na lebel upang maisagawa na dahil naniniwala sila na upang ito ay sundin ng mga Pilipino kailangan ito ay direktang ipaunawa sa kanila.

Patuloy din niyang hinimok ang lahat ng sektor kasama ang media, civil society at mga pribadong sektor na suportahan ang local government units (LGUs) sa pagsasagawa ng angkop na mga hakbangin at pagbibigay kaalaman sa bawat Pilipino.