-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Ipinag-utos ngayon ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar sa kanilang regional offices sa buong bansa na i-monitor ng kani-kanilang nasasakupan sa buong bansa.

Ito ay mayroong kaugnayan sa pagkapasok ng African swine fever (ASF) na tumama sa backyard hog raisers sa ilang probinsya sa Luzon.

Ginawa ni Dar ang paalala kaugnay sa ipinalabas na ban order ng Misamis Oriental at Cagayan de Oro City laban hog products na nagmula sa Rizal at Bulacan.

Inihayag ng kalihim na mayroong guidelines na dapat masunod ng local government units bago ipatupad ang ban order.

Dagdag ni Dar, makakaapekto rin sa ekonomiya sa karatig-probinsya o rehiyon ang deklarasyon ng ban laban sa ASF.