Binalaan ni Department of the Interior and Local (DILG) Secretary Eduardo Año ang mga local government units (LGUs) na mayroong mahinang COVID-19 inoculation record.
Ayon kay Año, ang mga LGUs na mayroong mababagal na proseso ng pagbabakuna o pati rin iyong mga hindi kaagad nakakapagturok ng COVID-19 vaccines sa kanilang nasasakupan kaya nag-expire ang kanilang supplies ay papaimbestigahan ng kagawaran sa pamamagitan ng mga ilalabas na show-cause orders.
Ang mga LGUs na mayroong unsatisfactory vaccination accomplishments ay maari aniyang maharap sa sanctions mula sa national government.
Sinabi ng kalihim na magkakaroon ng pulong hinggil sa plano ng DILG na magkaroon ng monitoring system na magtutukoy sa bilang ng mga bakunang ipinapadala sa mga LGUs at sa kung ilan sa mga ito ang nagagamit kada araw.
Sa kanyang Talk to the People briefing kamakailan, inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagkadismaya sa vaccination process.
Para kay Año, dismayado ang Pangulo sa pacing nang pagbabakuna ng mga LGUs sa mga qualified na indibidwal.
Noong una aniya ay humihingi ng maraming supply ng bakuna ang mga LGUs pero noong nariyan na ay hind naman kaagad nagagamit ang mga ito.
Kabilang sa mga may mabagal na inoculation process aniya ay ang Regions 4-A at 3, na malapit lamang sa National Capital Region.