-- Advertisements --

MANILA – Pinagpapaliwanag ng Department of Health (DOH) ang mga local government units hinggil sa mababang COVID-19 vaccine coverage sa mga senior citizens at may comorbidity.

Kasali kasi sa priority group na A2 at A3 ang mga matatandang 60-year old pataas at indibidwal na may iba pang sakit.

Nabatid kasi ng ahensya na bagamat maraming naka-masterlist na seniors at may comorbidity para COVID-19 vaccination, ay marami pa rin sa kanila ang hindi nagpapabakuna.

“The Department of Health (DOH) urged local government units to identify reasons for non-vaccination of those belonging to A2 and A3 priority groups, following reports on the low vaccine coverage among senior citizens and persons with comorbidities,” nakasaad sa statement.

Ayon sa Health department, kailangan malaman ng mga opisyal ang dahilan ng non-vaccination, para agad maaksyunan ng local officials ang problema.

“Among the issues initially identified are internet connectivity as more LGUs implement online registration, and accessibility of designated vaccination sites.”

“Efficient registration enables a more organized system in identifying eligible priority groups, scheduling, recording information, and managing the flow of people in vaccination sites.”

As of May 31, nasa 1.3-million senior citizens pa lang ang nakakatanggap ng first dose ng COVID vaccine. Habang 258,000 ang nakakatanggap ng dalawang dose o fully vaccinated na.

Sa mga may comorbidity naman, aabot sa 1.2-million pa lang ang nakatanggap ng first dose; samantalang 294,000 ang fully vaccinated.

Ayon sa epidemiologist at miyembro ng IATF-Technical Working Group on Data Analytics na si Dr. John Wong, importanteng mabakunahan na ang mga indibidwal na may edad 50 pataas para maiwasan ang hanggang 80% na kaso ng pagkamatay dahil sa COVID-19.

“Start with 50 and above because they have the highest risk and they have the greatest (risk). Kasi vaccinating them alone can prevent 80 percent of the deaths. After you are almost done with that, then you can go in decreasing order by 10-year age groups.”

Batay sa huling datos ng Health department, aabot na sa higit 5.2-milyong indibidwal ang nabakunahan laban sa COVID.

Mula sa kanila, 1.2-million pa lang ang fully vaccinated o nakatanggap ng kumpletong second dose.