![cropped farmers 3](https://xrc.bomboradyo.com/newscenter/2019/09/cropped-farmers-3.jpg)
Hinihikayat ng Commission on Climate Change ang mga lokal na pamahalaan na mgasumite na ng kanilang project proposal, kaugnay sa pagpapatatag mg kominidad at ecosystem ng bansa, laban sa epekto ng Climate Change.
Pahayag ito ni CCC Executive Director Robert Borje, kasunod ng pagbubukas ng People’s Survival Fund para sa LGUs.
Isa itong grant facility para sa mga lokal na pamahalaan, sa pagi-implementa ng local climate change adaptation initiatives.
Upang ma-access ang pondong ito, ang LGUs ay kailangang makatalima sa nga sumusunod na documentary requirement.
Una, ang pagkakaroon ng Letter of Intent.
Ikalawa ang pagsususumite ng Accomplished Projdct Proposal Template.
Adaptation reference, tulad ng Clinate Risk and Vulnerability Assessments, o Local Climate Change Action Plan, at ang Annual Investment Plan.
Ang pagsusumite ng proposal na ito, ay isasara sa ika-31 ng Marso, 2023.