-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Ramdam na ang mga pag-ulan at malakas a hampas ng alo ng kagaratan sa Bicol region dahil sa banta ng bagyong Bising.

Kaugnay nito ay nagpatupad na ng work suspension sa mga pampubliko at pribadong sektor ang ilang local government units sa rehiyon.

Kabilang sa mga ito ang lungsod ng Legazpi, mga bayan ng Camalig, Pio Duran at Guinobatan sa Albay, gayundin ang lokal na pamahalaan ng Sorsogon City, Donsol, Casiguran, at Castilla sa lalawigan ng Sorsogon.

Suspendido rin ang pasok sa buong Catanduanes na pinaka apektado ng sama ng panahon.

Samantala, humambalang naman sa kalsada ang ilang poste ng FICELCO sa Codon-Asgad Road sa San Andres, Catanduanes.

Dahil dito, pansamantalang hindi nadaaan ng mga sasakyan ang naturang kalsada.