Todo papuri ngayon ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) sa mga local government unit sa National Captial Region (NCR) na tumalima sa Electronic Business One-Stop Shop o eBOSS program ng pamahalaan.
Sinabi ni Anti-Red Tape Authority Director General Secretary Ernesto Perez, ito ay ang mga lungsod ng Valenzuela, Manila at Quezon City na kabilang sa mga nagsusulong ng digitalization ng Business One Stop Shop sa NCR.
Ani Perez, halos lahat ng naturang mga lungsod at bayan na tumalima sa naturang programa nakitaan ng pagtaas sa bilang ng mga negosyo na ipinaparehistro sa kani-kanilang mga lugar dahil sa mas pinabilis at mas pinaikling mga hinihinging pangangailangan para sa pagpapadali ng proseso nito.
Handa namang umalalay ang Anti-Red Tape Authority sa mga nais humingi ng tulong sa kanilang tanggapan upang magkaroon din ng maayos na proseso sa kanilang business one-stop shop at makahabol sa digitalization sa lahat ng sangay ng ating gobyerno.