Naglabas na ang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila ng schedule at paalala sa pagdalaw sa mga sementeryo kasabay ng pag-obserba ng Araw ng mga Santo sa Nobiyembre 1 at Araw ng mga Kaluluwa sa Nobiyembre 2.
Sa lungsod ng Maynila, maaaring bumisita sa Manila North Cemetery at Manila South Cemetery sa Nobiyembre 30 hanggang Nobiyembre 3 mula alas-5 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi.
Sa ParaƱaque City naman, sa Oktubre 29 hanggang 30, maaaring bumisita mula 6am-6pm, sa Oktubre 31 hanggang Nov. 2 ay 24 oras habang sa Nov.3 mula 12am hanggang 6pm. Sa may Loyola Memorial Park naman, bukas mula 6am-10pm ngayong October 29 hanggang bukas, Oct. 30 habang sa Oct. 31 hanggang Nov. 1 ay 24 oras. Sa November 2 at 3, maaaring bumisita hanggang 10pm.
Sa Himlayang Palanyag, sa October 29, maaaring bumisita mula October 29-November 3 kung saan 24 hours itong bukas sa Nov.1 at Nov. 2.
Sa Pasay Cemetery, mula October 29 hanggang November 2, maaaring dumalaw mula 6am hanggang 12am.
Samantala, pinapaalalahanan naman ang mga dadalaw sa mga sementeryo na ipinagbabawal ang pagdadala ng baril at lahat ng matutulis na bagay gaya ng kutsilyo, cutters, spatulas gayundin ang pagdadala ng alak o anumang uri ng nakakalasing na inumin, pagdadala ng mga alagang hayop gaya ng aso at pusa, pagdadala ng gitara at malalakas na sound systems, pagdadala ng paputok, at flammable materials, pagdadala ng lighters at gambling paraphernalia. Bawal din ang mga hindi awtorisadong nagtitinda at mga lasing.