-- Advertisements --

Aabot ng hanggang P5.6-billion ang karagdagang pondo na makukuha ng mga local government units sa susunod na taon mula sa “national wealth” ng pamahalaan.

Ayon ay Deputy Speaker at Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, ang naturang halaga ay bahagi ng 40 percent share ng mga LGUs sa development ng national wealth sa kani-kanilang mga lugar.

Mas mataas ng 75 percent ang halagang makukuha ng mga LGUs sa susunod na taon kumpara sa P3.2 billion share ngayong 2019.

Sinabi ni Pimentel na nakapaloob ito sa P4.1-trillion 2020 budget, at ipapamahagi sa mga probinsya, lungsod, munisipalidad at barangay kung saan nakakapag-generate ng trabaho at karagdagang income sa pamahalaan ang paggamit ng kanilang mga resources tulad ng energy reserves, mineral deposits, mining taxes at forestry charges.

Gagamitin ang perang ito para pondohan ng mga LGUs ang kanilang mga livelihood projects at local development.