-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nakatakdang sampahan ng karampatang kaso ang isang liaison officer ng Department of Education (DepEd)-ARMM matapos mahuli sa isinagawang drug buybust operation sa bahagi ng Prk. Malipayon, Brgy. Poblacion, Esperanza, Sultan Kudarat.

Kinilala ni P/Maj. Garyflor Marfil, hepe ng Esperanza PNP, ang suspek na si Jether Dalem Bahagi, 36-anyos at residente ng naturang lugar kung saan nakumpiska mula sa kaniya ang isang sachet ng pinaniniwalaang shabu at P500 na mark money.

Tinukoy rin ng opisyal si Bahagi bilang newly identified watchlist ng Esperanza PNP.

Sa ngayon, tinutugis na ng mga kapulisan ang mga posibleng kasamahan nito at mga suppliers ng iligal na droga.