-- Advertisements --
Naghain na divorce ang actor na si Liam Hemsworth, 29.
Ito ay makalipas ang dalawang linggo nang lumabas ang balitang hiwalay na siya sa asawang singer na si Miley Cyrus, 26.
Inihain ng actor ito sa isang korte sa Los Angeles at ang inilagay na dahilan ay “irreconcilable differences”.
Pinabulaanan ng Australian actor na kaya sila naghiwalay ay dahil sa paggamit din nito ng iligal na droga.
Magugunitang ikinasal ang dalawa noong Disyembre na dinaluhan lamang ng mga malalapit na kaibigan at mga kaanak ng dalawa sa bahay nila sa Nashville.