-- Advertisements --

Nagtamo ng 25 mga injuries kabilang ang matinding head injury si Liam Payne.

Ito ang inilabas na autopsy report ng mga otoridad ng Argentina sa pagkakasawi ng dating One Direction member.

Wala umano itong kasama sa kaniyang kuwrato noong nangyari ang pagkakahulog niya noong Oktubre 16sa isang hotel sa Buenos Aires.

Nakakita rin ang mga otoridad ng mga pinaghihinalaang droga, alak, energy packs at anxiety medication.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad ukol sa nasabing insidente.