-- Advertisements --

Itinalaga si House Minority Leader at Cong. Marcelino Libanan bilang lead prosecutor sa impeachment trial ni VP Sara Duterte.

Kinumpirma ito ni Rep. Rodge Gutierrez, na nagsabing nakapagsumite na sila ng opisyal na liham sa Senado. Pinirmahan ng 11 House prosecutors, binibigyan nito si Libanan ng kapangyarihang pangasiwaan ang mga legal na hakbang sa paglilitis.

Si Libanan, isang batikang abogado, ay dating chairman ng House Committee on Justice at nagsilbi ring Commissioner ng Bureau of Immigration sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Noong Pebrero 5, inaprubahan ng Kamara ang impeachment ni VP Duterte matapos makuha ang kinakailangang boto. Kabilang sa mga akusasyon laban sa kanya ang banta sa buhay ng Pangulo, First Lady, at House Speaker; maling paggamit ng pondo; hindi maipaliwanag na yaman; at koneksyon sa Davao Death Squad.

Dahil nasa recess ang Kongreso hanggang Hunyo 2, 2025, inaasahan ang karagdagang detalye sa paglilitis sa pagbabalik ng sesyon.