-- Advertisements --

Ibinasura ng korte ang kasong libel na isinampa ng actor na si Johnny Depp sa Sun Newspaper na inakusahan siyang nanakit ng asawa.

Sinabi ni Judge Mr Justice Nicol, napatunayan ng nasabing pahayag na ang kanilang artikulo ay may katotohanan.

Sa 14 na alegasyon ng pananakit ng actor sa asawang si Amber Heard ay 12 dito ay totoo.

Tinawag naman ng abogado ng actor na walang kuwenta ang desisyon ng korte at balak nila itong iapela.

Nanindigan ang pahayagan na ibinunyag sa kanila ng actress ang ilang taon ng pananakit ng actor.

Magugunitang noong Hulyo ay dininig ang nasabing kaso sa Royal Courts of Justice sa London.

Hindi naman nasorpresa ang abogada ng actress na si Elaine Charlson Bredehoft sa desisyon ng korte.

Sa mga susunod aniya na mga araw ay maglalalbas pa sila ng ibang mga ebidensiya.

Magugunitang inilabas ng actress na ang isang pangyayari noong 2015 ng saktan ito ng actor habang lango sa alak habang sila ay nasa Australia.