-- Advertisements --
May napili na ang Liberal Party na papatakbuhin para sa senado sa 2025 midterm elections.
Sinabi ni Liberal Party spokesperson Leila de Lima na kanilang isasabak ang mga dating senador na sina Kiko Pangilinan, Bam Aquino at human rights lawyer Chel Diokno.
Dagdag pa ng dating senador na inisyal lamang ang mga ito at sa mga susunod na araw ay dadagdagan pa buong listahan.
Si Pangilinan ay tumakbo bilang Vice President noong 2022 election bilang running mate ni dating Vice President Leni Robredo.
Habang sina Diokno at Aquino ay kapwa tumakbo sa senado noong 2019 elections.