-- Advertisements --

Naniniwala ang Liberal Party na muling mabubuhay ang kanilang partido.

Kasunod ito sa paghahain ni dating Senator Leila De Lima ng certificate of nomination and acceptance (CONA) sa ilalim ng Mamamayang Liberal Party.

Kasama niyang nominee sina dating representatives Teddy Baguilat bilang second nominee at Erin Tanada bilang third nominee.

Bago ang pagtungo sa Commission on Election nitong Sabado ay kasama ng dating senador ang mga kaanak ng biktima ng extrajudicial killings noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nagsimba.

Magugunitang una ng sinabi ni De Lima na hindi na ito babalik pa sa pulitika mula ng makalaya ito noong Nobyembre ng nakaraang taon subalit dahil sa panghihikayat ng mga nasa iba’t-ibang sektor ay kaniya silang sinunod.