Walang balak ang Liberal Party na makipag-alyansa sa partido ni PBBM.
Ayon kay dating Senator Leila De Lima, papanindigan ng Liberal Party ang pagiging oposisyon sa kasalukuyang administrasyon.
Maliban dito, mayroon aniyang mga isyu na pinanghahawakan ang Liberal Party kayat nais nitong dumistansya sa partido ng kasalukuyang adminstrasyon, tulad ng isyu ng martial law.
Giit ni De Lima, may mga miyembro ang LP na dati nang komuntra sa pagpapairal ng batas militar noong panahon ni dating Ferdinand Marcos Sr.
Hanggang sa ngayon aniya ay pinapanindigan ng mga ito ang naturang posisyon upang hindi na maulit pa ito sa mga susunod na henerasyon.
Ayon kay De Lima, ang pakikipag-alyansa ng LP sa mismong anak ng dating diktador sa likod ng mga isyung hindi pa nareresolba, ay isa umanong pagkontra sa prinsipyo ng partido.
Sa kasalukuyan, ilang mga malalaking political party na ang nakipag-alyansa sa partido ni PBBM na Partido Federal ng Pilipinas (PFP) tulad ng National Unity Party (NUP) at Nacionalista Party (NP)