Inaasahang magsasagawa ng anunsiyo ang pamilya nang pinatay na dating prime minister ng Japan na si Shinzo Abe matapos na dumating na kanina sa kanilang bahay sa Tokyo ang labi nito.
Sa ulat sa Bombo Radyo ng international news correspondent Josel Palma mula sa Japan, sinabi nito na bumaha sa mga kalsada ang mga residente ng Tokyo na nag-abang sa pagdaan ng convoy kung saan nandoon ang bangkay ng kanilang dating lider.
Tumungo rin si Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa tahanan ng mga Abe upang personal na makiramay.
Napansin naman na sangkaterbang mga mamamahayag, lalo na ang international media ang bumuhos sa lugar na mas marami pa sa mga pulis na ipinakalat para magbantay.
Samantala tuloy naman bukas ang halalan sa Japan sa kabilang ng asasinasyon kay Shinzo Abe kung saan ikinanampanya niya ang kanyang mga kapartido sa ruling Liberal Democratic Party (LDP).
Batay sa political system ng Japan, ihahalal ng 125 million voters ang mga kinatawan na siyang bubuo sa Upper House na ang tawag ay Diet — na siya namang Japan’s parliament.
Umaabot sa 125 na upaun ang pag-aagawa sa halalan.
Sa dalawang chambers ng parliament, mas makapangyarihanan ang lower house kung saan ang mga miyembro nito ay umabot sa 245 na merong anim na taong termino.