-- Advertisements --

Kasalukuyang nakaburol sa Loyola Memorial Chapels sa Marikina ang labi ng kilalang “contravida” actress na si Luz Fernandez.

Nitong Sabado ng umaga nang pumanaw si Fernandez sa edad na 86 matapos umanong inatake sa puso habang nasa ospital.

Sa Twitter post ni Celestine Trinidad, naging abala ito sa pag-asikaso mula sa ospital hanggang sa burol kaya tanging maibabahagi nito ay ang paghahatid sa huling hantungan sa kanyang lola sa Marso 9.

Naging tampok ang beteranang aktres sa “Okay Ka, Fairy Ko,” “Pepito Manaloto,” “Kambal Karibal,” at “Amaya.”

Taong 2015 nang ginampanan niya ang papel bilang si Lola Basyang sa “Tatlong Kuwento ni Lola Basyang” ni Severino Reyes.