-- Advertisements --
Itinakda na sa Enero 9, 2025 ang libing ni dating pangulong Jimmy Carter.
Kasabay din nito ay inanunsiyo ni US President Joe Biden na ang nasabing araw ay idineklara niya bilang National Day of Mourning sa US.
Dadalhin sa Washington DC ang bangkay ni Carter mula sa bahay nito sa Plains, Georgia.
Isasagawa ang private ceremony sa kaniyang burol sa Plains katabi ng asawang si Rosalyn na pumanaw noong Nobyembre ng nakaraang taon.
Ibinunyag din ni Biden na kinausap siya ni Carter na dapat ay magbigay siya ng eulogy.
Magkaibigan sina Biden at Carter kung saan naninilbihan si Biden sa US Senate noong pangulo si Carter.
Patuloy naman ang pagbuhos ng pakikiramay at pagdadalamhati mula sa iba’t-ibang lider ng bansa.