Inanunsyo ng Egyptian Ministry of Antiquities ang kanilang pagkadiskubre sa isang double graveyard na naglalaman ng mga labi ng tao at mga mummified na hayop.
Paniwala ng mga dalubhasa, ang nasabing mga labi ay buhat noon pang Ptolemaic period, o 2,000 taon na ang nakalilipas.
Ang libingan ay natagpuan sa lungsod ng Akhmim, nasa apat na milya ang layo mula sa Sohag.
“It’s one of the most exciting discoveries ever in the area,” wika ni Dr. Mustafa Waziri, secretary general ng Supreme Council of Antiquities.
Agaw pansin din ang pag-mummify sa 50 hayop na kinabibilangan ng pusa, daga, agila, at falcon.
Ayon sa ministry, nadiskubre ang entrance sa burial ground matapos maaresto ang isang gang na tinangkang ipuslit ang mga artifacts palabas sa gilid ng isang burol.
Pinaniniwalaan namang ang libingan ay pagmamay-ari ng isang mataas na opisyal na nagngangalang TuTu at ng kanyang asawang si T-Cheret Isis. (CNN)