Tinatayang nasa 4,000 na mga kababayan natin ang nagtungo sa Manila Baywalk Dolomite Beach ngayong Linggo ng umaga.
Karamihan dito ay maaga pa lang ay nanduon na habang ang iba ay bitbit pa rin ang kanilang mga anak.
Sa kabila ng panawagan ng mga marshalls na striktong obserbahin ang physical distancing buhos pa rin ang mga tao.
Ayon kay Jacob Meimban Jr, deputy executive director ng Manila Bay Coordinating Office, dahil sa buhos ang mga tao, kaniya ng inatasan ang ground commander na pansamantalang pigilan ang pagpasok ng mga tao ng sa gayon hindi magsiksikan ang mga ito.
Aniya, pansamantala muna papuntahin sa may bahagi ng Remedios ang mga tao para duon mag hintay at babalik na lamang sila matapos ang isang oras.
Sinabi naman ni Meimban na hindi maaari by batches na pumasok sa Dolomite beach dail magsa sanhi ito ng mahabang linya sa labas.
Nakatakda naman isara sa darating na Biyernes ang beach para sa gagawing maintenance.
Mahigpit pa rin ipinagbabawal ang pagligo dahil nananatili pa rin ang chloroform levels sa lugar.