-- Advertisements --
image 442

Patuloy ang paghahanap sa mga nawawala sa syudad ng Derna sa bansang Libya, matapos magpaulan ni Storm Daniel na nagdulot ng matinding pagbaha sa silangan ng bansa.

Ayon sa International Organization for Migration na mahigit 5,000 katao ang na-presume na patay.

Ang Libyan Red Crescent noong Biyernes ay iniulat na mahigit 11,000 death toll habang libu-libo ang nananatiling nawawala.

Halos 40,000 katao ang nawalan ng tirahan pagkatapos ng malawakang pagbaha, na nadagdagan pa ng bumigay ang dalawang dam.

Huling nakaranas na matinding pagbaha ang Libya ay noong 2019 kung saan apat na katao ang nasawi at ilang libong residente ang apektado.