-- Advertisements --
balangiga church
balangiga church

TACLOBAN CITY- Inaasahan ang libo-libong tao na dadalo sa nakatakdang pag-gunita sa Balangiga Encounter sa araw ng Sabado na magiging makasaysayan dahil ito ang pinakaunang anibersaryo matapos maibalik ang Balangiga Bells sa nasabing bayan mula sa mga Amerikano makalipas an 117 taon.

Ayon kay Rev. Fr. Serafin Tybaco, Balangiga Parish Priest, handang handa na ang kanilang parokya para nasabing selebrasyon kung saan inaabangan ng mga tao ang nakatakdang pagpapatunog sa mga kampana at paglilibot sa mga ito habang binabasa ang mga pangalan ng mga fallen heroes sa Balangiga Encounter.

Dagdag pa nito na magiging triple ang kanilang selebrasyon dahil ito rin 160th founding anniversary ng kanilang parokya at sa susunod na araw ang parish church celebration naman para sa culmination of activities.

Isa rin sa inaabangan ng mga bibisita Balangiga mula sa iba’t ibang parte ng bansa ang inaasahang pagdalo sa selebrasyon ni Sen. Bong Go at ang aktor na si Robin Padilla.