ILOILO CITY – Nakahanap na ng solusyon ang Inter-Agency Task Force (IATF) upang masolusyunan ang backlogs ng mga specimen ng COVID-19 sa Western Visayas.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo Governor Arthur Defensor Jr., sinabi nito na napagkasunduan ng IATF kasama sina chief COVID-19 response implementor for Visayas at Environment Sec. Roy Cimatu at Presidential Adviser to the Visayas Secretary Mike Diño na ipadala sa Cebu City ang mga specimen mula sa Western Visayas.
Ayon kay Defensor, nang malaman ni Secretary Diño na nahihirapan na ang Western Visayas Medical Center Sub-National Laboratory sa pagproseso ng mga backlogs, nagmungkahi ito na ipadala ang mga specimen sa Central Visayas ngunit ito ay pansamantala lang.
Napag-alaman na isa sa mga dahilan ng mabagal na pagproseso ng specimen ay ang pagpositibo sa COVID-19 ng mga staff ng Sub-National Laboratory sa Western Visayas kung saan pansamantalang nahinto ang kanilang operasyon.