-- Advertisements --

NAGA CITY – Bumuhos kahapon ang libo-libong mga deboto na nakiisa sa Alay Lakad mula sa lungsod ng Naga patungong kapilya ng Amang Hinulid sa barangay Sta. Salud, Calabanga, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga sa ilang mga deboto, aminado ang mga ito na mahirap maglakad ng halos 20 kilometrong layo ngunit hindi mabilis na napapawi ang kanilang pagod sa oras na makita na nila ang nakahimlay na imahe ng Hinulid.

Maliban sa Alay Lakad, mahaba rin ang pila ng mga deboto na nagnanais makahalik at mahawakan ang naturang imahe.

Sa obserbasyon naman ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO)-Bombon, hindi naiwasang may respundehan ang mga rescue team matapaos may makaramdam ng pagkahilo at mahirapang huminga sa mga deboto ngunit maliban sa mga ito, wala namang naitalang malalang mga pangyayari.

Samantala, ngayong araw naman, inaabangan ang pagpapalabas ng kilalang Passion Play o ang pagsasadula sa pagpako kay Hesus sa krus na nagsisilbing highlight ng iba’t ibang religious activities sa naturang lalawigan.