-- Advertisements --
hk students 2

Inaasahan na libo-libong mag-aaral ang mula sa halos 200 paaralan ang magsasama-sama upang iboycott ang unang araw ng kanilang eskwela bilang pakikiisa sa malawakang kilos-protesta sa Hong Kong.

Sa kabila ng malakas na buhos ng ulan ay hindi nagpatinag ang ilang estudyante ng tatlong secondary schools na sinimulan na ang pag walk-out sa kani-kanilang klase at bumuo ng human chain habang tinatahak ang daan patungong Central district.

Sinigurado naman ng mga operator service ng MTR stations na balik normal na ang kanilang operasyon matapos mag-vandalise ng mga anti-democracy demonstrators sa ilang mga bagon.

Ngunit sa kabila nito ay may mga naiulat pa rin na 15-minutes delay sa naturang train operations.

Ang nasabing school boycott ay inorganisa ng localist party na Demosisto bilang parte ng kanilang mas lumalawak pang anti-government campaign upang tuluyan nang kumawala mula sa pamumuno ng Beijing.

Muling nagdala kahapon ng kaguluhan ang mga anti-government protesters sa Hong Kong International Airport kung saan ilan sa mga access routes ay kanilang hinarangan na naging dahilan upang mapilitan ang mga pasahero na maglakad na lamang.