Libo-libong mga grupo ang nag protesta sa iba’t-ibang bahagi ng France matapos mapiling bagong Prime Minister si Michel Barnier.
Tinatayang aabot sa 110,000 ang mga nag protesta noong sabado na pinangunahan ng grupong trade unions and members of the National Policy Forum (NPF) na nagpahayag ng pagka dismaya dahil ang kanilang sariling kandidato para sa PM ay ni-reject ni President Emmanuel Macron.
Tutol rin ang mga grupo sa ipinanukala ni Barnier na ibahin at baguhin ang estado ng gobyerno sa France.
Tinawag naman ni France Unbowed party, Jean-Luc Mélenchon, ang isinagawang protesta noong sabado na ”For democracy, stop Macron’s coup”. Habang sigaw din nila ang “denial of democracy” at “stolen election”.
Una nang ni-reject ni Macron bilang PM si Castets dahil sa wala raw itong chance na maka survive o makakuha ng boto sa National Assembly.
Samantala, nagpahayag naman ng hinahing si socialist Paris Mayor Anne Hidalgo na dapat daw kinonsidera ang pag pili aniya kay dating socialist prime minister, Bernard Cazeneuve, pero nauna ring tinanggihan ni Macron bilang kasama sa kanyang partido.