Inanunsyo ng Department of Migrant Workers ang libo-libong oportunidad sa trabaho na binuksan ng bansang Austria para sa mga Filipino professionals at skilled workers.
Kabilang sa mga binuksan na trabaho ay yaong mga may kaugnayan sa healthcare, information technology, tourism, at hospitality sectors.
Ang magandang balita na ito ay inanunsyo ng ahensya kasabay ng isinagawang Memorandum of Understanding signing ceremony sa pagitan ni DMW Officer-in-Charge Hans Leo J. Cacdac at State Secretary Susanne Kraus-Winkler ng Austrian Federal Ministry for Labor and Economy.
Ayon kay Cacdac, ang kasunduang ito ay naglalayong i- facilitate ang deployment ng mga Filipino professionals at skilled workers sa bansang Austria sa paraang ligtas, etikal, sutinable at kapwa kapaki-pakinabang.
Batay sa naturang agreement, target ng bansa na makapag deploy ng 500 na Filipino Workers taon-taon upang matugunan ang demand ng Austria na 75,000 hanggang 200,000 na job opening sa lahat ng industriya kabilang na ang sektor ng
healthcare, construction and engineering, information technology, tourism at hospitality.