Matapos ang deklarasyon ng 72 hours na ceasefire sa pagitan ng Sudanese Military at paramilitary Forces, tinatayang 6, 400 katao mula sa iba’t ibang kontinente sa buong mundo.
Kabilang na dito ay ang mga bansa sa Africa, Asiya, North America, at Europe.
Sa mga African countries, mahigit limandaang katao na ang nailikas na kinabibilangan ng Kenya, Chad, Nigeria, Uganda, at iba pa.
Para sa North America, halos isandaang katao na rin ang nailikas ng US forces mula sa nasabing lugar.
Para naman sa Europe, humigit kumulang isanlibong mga European na ang kanilang nailikas, na kinabibilangan ng mga Dutch, Ukrainians, Frence, at iba pa.
Sa Asia naman, mahigit dalawang libong katao na ang sinasabing nailikas ng ibat ibang mga bansa, kabilang na ang 1,500 mula China, 500, mula Indonesia, Japan, Pakistan, at maging ang Pilipinas.
Sa kasalukuyan, nagpapatuloy pa rin ang Evacuation Operation ng iba’t-ibang mga bansa dahil sa pangambang maipit ang mga citizen sa nagpapatuloy na kaguluhan sa Sudan.