-- Advertisements --
Muling nagdala ang Office of Civil Defense ng libo-libong litro ng tubig sa mga biktima ng Kanlaon eruption.
Batay sa huling report ng OCD Western Visayas(6), kabuuang 2,000 litro ng inuming tubig ang dinala sa mga residenteng naapektuhan sa sa Negros Islands na magagamit ng mga una nang inilikas.
Ang mga ito ay nakasilid sa tig-6.6 liter bottle.
Mula noong unang pumutok ang bulkan noong December 9, nakapaghatid na ang OCD sa pamamagitan ng Western Visayas office nito ng kabuuang 5,680 bottled water sa mga naapektuhang residente
Ayon sa OCD, nagtutulungan ang mga regional office nito para sa mga biktima ng Kanlaon eruption bilang bahagi ng nagkakaisang relief effort.