-- Advertisements --

Natanggap na ng libo-libong mga magsasaka sa Bicol Region na naapektuhan ng bagyong Kristine ang P24.4M na halaga ng indemnity checks mula sa Philippine Crop Insurance Corp.

Ang naturang korporasyon ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Agriculture.

Nanguna si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa pamamahagi ng naturang tulong pinansyal sa mga naapektuhang magsasaka.

Una nang inatasan ng kalihim ang Philippine Crop Insurance Corp. na madaliin ang indemnification funds sa mga magsasaka na labis na pinadama ng bagyo.

Bago natanggap ng mga magsasaka ang pondo, dumaan muna sa masusing beripikasyon ang kanilang mga sakahan na sinalanta ng kalamidad.

Ayon kay Laurel, makatutulong ito para makabangon silang muli mula sa epekto ng naturang sama ng panahon.

Tiniyak naman ni PCIC President JB Jovy Bernabe na magpapatuloy ang pamamahagi nila ng tulong sa mga magsasaksa maging sa mga mangingisda.