-- Advertisements --
image 7

Libu-libong tao ang dumagsa sa mga domestic terminal sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) simula kahapon matapos ipagpatuloy ng mga airline ang mga flight para ma-accommodate ang mga pasaherong naapektuhan ng mga kanselasyon dahil sa Severe Tropical Storm Paeng.

Kinansela ng ilang airlines ang hindi bababa sa 38 domestic flights dahil sa masamang panahon nitong weekend.

Tiniyak naman ng mga ito na ipinagpatuloy ng airline ang kanilang recovery flights para makapaghatid ng mga pasaherong patungo sa mga probinsya para sa Undas.

Ilang local at international flights ang nakansela dahil sa pananalasa ng Paeng.

Umapela naman ang mga airline companies ng pang-unawa mula sa mga pasahero.

Samantala, nasa heightened alert naman ang mga personnel ng Bureau of Immigration (BI) sa NAIA para sa Undas break.

Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na inatasan niya ang mga tauhan ng BI na tumulong sa mga biyahero na pupunta sa mga probinsya.