-- Advertisements --

Libo-libong mga pulis at sundalo ang nagpaso na ang hawak na License to Own and Possess Firearms (LTOPF).

Ito ang ibinunyag ni PNP Civil Security Group (CSG) spokesperson Police Lt. Col Eudisan Gultiano, kasabay ng apela sa unipormadong hanay na gawing regular ang pagre-renew sa hawak na lisensiya ng kanilang mga baril.

Ayon kay Gultiano, may mga pagkakataon na nahihirapan ang mga pulis at mga sundalo na mag-renew sa lisensiya ng kanilang mga baril dahil na rin sa kanilang halos 24/7 na trabaho.

Gayunpaman, dapat pa rin aniyang maasikaso ito ng mga sundalo at hindi hayaang nagpapaso ang mga lisensiya dahil kaakibat ito ng kanilang paggampan sa serbisyo.

Samantala, umaasa naman si Gultiano na mapapadali na ang renewal sa lisensiya ng mga baril ng mga pulis at sundalo, kasunod ng bagong kautusan ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil na i-exempt na sila sa ilang requirements.

Kabilang dito ang psychological at psychiatric examinations at drug test.